Ang Tinig Nameplate

AKO’Y NAGBABALIK! Unti-unting ibinabalik ang dating curriculum ng SSC ng CNHS upang maihanda ang mga mag-aaral sa mga susunod na school year. Marso 27, 2023. (Kuha ni Josephine Gironella)


Ang Dry Run para sa bagong curriculum nang Special Science Class (SSC) ng Candon National Highschool ay sinimulan na ngayong araw ng Miyerkules, Marso. 22, 2023.

Sa naging panayam sa Head Teacher ng Science na si Mr. Bernard Manzano, Ang sinimulang dry run ay isiniyangkat upang makita ang mga problema sa pagpapatupad ng nasabing curiculum at ito’y mabigyan nila ng solusyon. Dagdag pa niya, ang dry run na ito ay naglalayong ihanda ang mga estudyante sa naka-ambang pagbabago ng kanilang class schedule at subjects.

Ang panibagong curriculum na ito ay nagbibigay opurtunidad sa lahat ng Special Science Class Students mula Grade 7 hanggang Grade 10 na matuto ng “advanced subjects” na kanilang magagamit sa pagtungtong nila sa Senior High at Kolehiyo. Ika pa ni Mr. Manzano, mayroon ng ganitong curriculum noong taong 2017 pa ngunit natanggal lamang kaya ito’y kanila ng ibinabalik.

Isa pang dahilan ng pagbabalik nila sa curriculum na ito’y nakasaad sa DepEd Memorandum No. 41 at DepEd Memorandum No.55 Series of 2010 na dapat mayroong advanced subjects ang SDE o tinatawag rin nilang Special Science Class Students.

Ang new curriculum na ito’y naga-alok ng magkakaibang subjects base sa baitang na iyong kinabibilangan. Sa Grade 7, mayroon silang subject tulad na lamang ng Environmental Science at Developmental Reading. Sa Grade 8 nama’y mayroong Intermediate Algebra at Basic Statistics na inaalok ang bagong curriculum. Para naman sa Grade 9, ang maidagdag na subject sakanila ay Biotechnology at Advanced Statistics habang sa Grade 10 naman ay may Advance Physics na sinamahan ng Pre-Calculus at Advance Calculus.

Inaasahang magsisimula ang mismong pagpapatupad ng new curriculum sa Lunes, Marso. 27, 2023. Ang bawat subjects ay tigi-isang oras. Magsisimula ang klase ng alas 8 ng umaga at matatapos ng alas 5 ng hapon.

Malaki ang magiging ambag ng panibagong curriculum sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga Special Science Class Students. Hindi man ito nasimulan ng mas maaga ngunit marami paring matutunan ang mga estudyante sa mga naidagdag na subjects.