Upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng mga indibidwal na pumapasok sa Candon National High School (CNHS) nagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng paaralan ang sangay ng Philippine National Police (PNP) at tumutulong sa pamamahala ng ‘traffic’ ang POSO.
IKA’Y PROTEKTADO. Sangay ng PNP sinisigiradong ligtas ang kapakanan ng bawat indibiduwal na pumapasok sa CNHS noong ika-21 ng Pebrero, 2023. (Kuha ni Josephine Gironella)
Layunin ng kapulisan ang seguridad at kaligtasan ng bawat mag-aaral hindi lamang sa simpleng pagtawid kung hindi upang maiwasan din ang mga krimen gaya ng kidnapping, scam at iba pang panganib na maaaring mangyari sa mga mag- aaral gayundin sa mga guro at magulang.
Banggit ni Patrolman Leandado, “Ang kapulisan ay handang maglingkod sa pangkalahatan. Sinisiguro na kami ay flexible, versatile, at authoritarian sapagkat ang katangiang ito ang susi upang mapanatili ng kapulisan ang kaayusan sa kabila ng pagdami ng populasyon ng mga estudyante.”
Mayroon ding ibang programa ang PNP Candon City tungkol sa police visibility kabilang na rito ang Programa KApulisan, SIMBAhan at pamaYANAN (KASIMBAYANAN) na layuning pagbuklurin ang iba’t- ibang sangay kung saan mas maisasaayos ang pamayanan kung maisasakatuparan ang bawat gampanin ng kapulisan, simbahan at pamayanan.
Ayon pa ni Patrolman Leandado na makakaasa ang pamayanan lalo’t higit ang mga mag- aaral sa agarang tugon at pagresponde ng mga kapulisan sa oras ng pangangailangan.