Ang Candon National High School ang pinakamalaking paaralan ng Candon City, ito ang nagsisilbing pangalawang tahanan at tagahubog ng ilang mga estudyante. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay nagsisilbing daan at gabay sa pagbibigay at pagbabahagi ng kaalaman para sa mga mag- aaral na mahigit 4,000 ang populasyon. Noong taong panuruan 2020-2021 nakamit ng CNHS ang 1st runner up bilang Best Brigada Eskwela Implementor ng Region 1 mula sa kategorya ng Mega School, at kamakailan lang ay nagwagi muli ito bilang Brigada Eskwela Best Implementor sa Division level. Ito ang dahilan kung bakit muli ay napili ang paaralan upang maging kinatawan muli para sa kumpetisyon para sa rehiyon. Bawat departamento ng naturang paaralan ay mayroong proyekto na isinagawa sa mga nagdaang taon at sa kasalukuyan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ng CNHS sa iba’t ibang pamamaraan. Ang mga programang ito ang siyang nag-angat sa CNHS upang mapagtagumpayan nito ang kumpetisyon sa Brigada Eskwela.
Ang PROJECT PAGBASA ay pinangasisiwaan ng DEpartamento ng Filipino. Ito ay isang interbensiyong ibinibigay sa mga “struggling readers” na layuning pagbutihin ang kanilang kasanayan sa pagbasa. Ang mga mag-aaral na nakakuha ng lebel na frustration at instructional ang kanilang tinututukan. Inumpisahang ginawa ito noong December 2022 sa Tablac, Candon City.
Ang Project Tarabay ay isang programa na pinangangasiwaan ng mga guro sa Senior High School. Layunin ng inobatibong dulog na ito na tugunan ang mga umiiral na suliranin sa academic performance ng mga mag-aaral sa Senior High School sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pampagkatututong tulong at remediation,outreach programme at gift giving sa mga mag-aaral nak apos sa pinansiyal na aspekto.
Ang Project Acer ay isa ring proyekto sa Pagbasa na pinangangasiwaan ng Departamento ng Ingles. Layunin ng proyektong ito na hubugin ang kakayahan ng mga mag- aaral sa pagbabasa at palawakin pa ang kanilang kaalaman. Katuwang ng departamento ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng iba’t ibang barangay ng Candon City sa pamamagitan ng PROJECT ACER (Adopt a Child; Enable a Reader). Inumpisahang isagawa ang proyekto noong Agosto 2021 at ipinagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Ang Project Historia ay program amula sa Departamento ng Araling Panlipunan. Layunin ng programan ito na makapagturo ng mahahahalagang pangyayari at makilala ang mga personalidad sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay isinasagawa sa “feeder” barangay ng Candon. Target ng grupo na hubugin ang damdaming nasyonalismo at patriotismo ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga mahahalagang pangyagari sa nakaraan.
Ang PROJECT RADIUS (Reach Out and Assist Distant learners in Understanding and Solving Problems) naman ang isinagawa ng mga guro sa Departamento ng Matematika. Ito ay naglalayong hubugin ang kakayahan ng mga Junior High School Students’ sa pagsagot ng mga ‘problem- solving skills and logical thinking’ at pagbabahagi ng dagdag kaalaman at pakikilahok sa mga aktibidad. Ito ay inumpisahang isagawa noong Agosto 2021, maging sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang departamento sa pagsasagawa nito.
Ang PROJECT SCI (School-Community Involvement) ng Science Department ang pag- aaral at pakikilahok ng mas malawak na komunidad ng paaralan sa prosesong pang- edukasyon sa pamamagitan ng paghahayag ng mga impormasyon at mga simpleng aktibidad nitong Agosto 2022.
Ang Project STAR ( Skills, talent and Attitudes Reinforcement) outreach Activity ay isang program amula sa Departamento ng TLE at ESP. Ang grupo ay nagbabahagi ng mga impormasyon, suporta, malayan, serbisyo at kasiyahan katuwang ang mga barangay officials ng Candon City.
Ang Project Sagip (Sagot ko Ang Gamit mo, Ipagpatuloy ang Pag-aaral mo) ay isang programa kung saan ay tinutulungan ang mga mag-aaral nak apos-palad lalo na sa mga kagamitang pampaaralan. Ito ay taunang isinasagawa ng paaralan bilang tulong sa mga piling mag-aaral ng Grade 7. Ito ay nagiging possible sa tulong mga mga mapagkawanggawang mga donors.
Ang Stay Safe App ay isang mobile app na nilikha upang mapadali ang pagmomonitor sa mga empleyado at mga stakeholders na pumapasok sa loob ng paaralan. Bawat gate ng CNHS ay may mga QR code kung saan ay i-i-scan ng sinumang papasok sa loob nito, sa ganitong pagkakataon ay hindi na kailangan pang magsulat sa form ang sinumang papasok sa paaralan, mapapadali ang pagpasok at maiiwasan pa ang posibleng pakakontak ng mga tao sa virus.
Ang Project Laro ay programa mula sa Departamento ng MAPEH. Layunin ng nito na hubugin ang kakayahan, talento at ‘character sport’ ng mga atleta at manlalaro ng Volleyball at Badminton sa mga kabataan barangay ng Bagani Gabor at Bagani Ubbog, Candon City.