lathalain
Noong taong panuruan 2020-2021 nakamit ng CNHS ang 1st runner up bilang Best Brigada Eskwela Implementor ng Region 1 mula sa kategorya ng Mega School, at kamakailan lang ay nagwagi muli ito bilang Brigada Eskwela Best Implementor sa Division level. Ito ang dahilan kung bakit muli ay napili ang paaralan upang maging kinatawan muli para sa kumpetisyon para sa rehiyon.